Monday, February 07, 2005

:: may bantay ::

halos pare-pareho lang ang araw.ordinaryo.walang espesyal.katulad ngayon.

pagdating ko sa opisina umupo ako sa aking silya,binuksan ang computer,pinagpatuloy ang gawaing naiwan nung isang linggo.

ah!nung isang linggo.nung isang linggo...

biyernes!huling araw ng linggo.bakasyon na naman.ibig sabihin,sa binangonan na naman ako uuwi.magkikita kami ni ayie,kaibigan kong taga-pasig.maglalaro kami ng badminton.pangalawang beses na namin itong gagawin mula nung isang linggo.huwebes naman noon nang maglaro kami.ngayon dalawa lang kaming maglalaro,one-on-one kung tukuyin.hindi tulad nung nakaraan apat kami kaya hindi masyadong nakakapagod.sa platino kami naglalaro,sa brixton st,sa may mandaluyong,sa kabilang kalye ng boni,sa pioneer.

dumating ako,nahuli ako kasi sumabay sa akin si tine.nagkita pa kami sa ayala triangle para magkasabay kami sa mrt.

hay,sa ngayon,puro problema kami ni tine.siya sa kanyang bf.walang oras sa kanya.naglalambing lang sa kanya kapag may kailangan.ayun,nag-uusap kami habang patungo sa sasakyan.nagkahiwalay na naman pala sila.laging ganun.hindi ko alam ang ipapayo sa kanya.laging ganun e.hindi naman sya nakikinig sa akin.mahal nya raw yung bf nya.matigas ang ulo!pero naiintindihan ko sya.pareho kami.matigas ang ulo!kailangan nya lang ay yung mayroong makikinig sa kanya.sa kanyang mga hinanakit.buhay nga naman.

istasyon na ng boni.nagpaalaman na kami.dumating ako sa laruan.kasama pala ni ayie yung mga kalaro namin nung isang linggo pero hindi sila maglalaro.dalawa lang talaga kami.dalawang tao.magkalaban.dalawang oras!nakakapagod!masakit sa binti.nakakahingal.umaagos ang pawis.kailangan kong maligo.buti't may liguan.sa chowking ulit kami kumain.

tumunog ang telepono ko.mayroon text.may nag-aayang lumabas.sa blue onion daw.sa may libis.sa eastwood.text text.palitan ng text.natuloy rin matapos ang matagal-tagal ding palitan ng text.

sabado na.ala-una na ng umaga.ngayon palang kami nakarating sa pupuntahan namin.ang mag-asawang noel at anne,lasing na!ininom nila yung tequilla na natira namin mula sa watering hole.bagsak!sumusuka ang mag-asawa.ang kinalabasan,umuwi na sila.kami lang ni ayie ang naiwan kasama ang mga kaibigan naming nag-aya.

alas-siete na umaga.binaba ako sa angono at mula doon ako tumungo sa bahay nina anne.diretso tulog.alas-onse nagising.nakakatamad.walang magawa.walang nag-t-text.nag-aya na lang akong magbadminton uli kami nina ayie.ngayon kasama si anne at joan,ang pinsan nya.pampabawas daw ng timbang.para maiba naman daw ang magawa nila.hay...wala paring text mula sa inaasahan ko.

linggo na.tanghali nang nagising.kailangan naming pumunta sa morong para sa fiesta.tanghalian daw ang inaasahang pagdating namin doon.maraming pag-kain.nakakalula.maya't-maya ang kain namin.kwentuhan.wala paring text.kwentuhan ulit.pero wala paring text.nagpunta kami sa resort ng pinsan ni noel sa lanang.sandali lang kami.ayos naman ang lugar.hindi ganung kaganda sa mga resort na alam ninyo.pero maayos naman.liblib nga lang.kailangang may sariling sasakyan pagtutungo doon.para sa mga pribadong okasyon.gabi na rin.trapik pauwi.pagdating ulit doon,kain na naman.hay...tapos na naman ang araw.ang bilis.kailangan nang umuwi sa kaniya-kaniyang bahay.may pasok na naman kinabukasan.alas-diyes na nang gabi.wala paring text.wala.

magandang umaga.maganda nga ba?e wala paring text.ayos na rin.kailangan na lang pagbutihan ang trabaho.ganun lang naman e.ganun na lang ang gagawin ko.

halos pare-pareho lang ang araw.ordinaryo.walang espesyal.katulad ngayon.

pagdating ko sa opisina umupo ako sa aking silya,binuksan ang computer,pinagpatuloy ang gawaing naiwan nung isang linggo.

madali lang naman ang ginawa ko.pero nakakalito ang gawain kung magbumabagabag sa isip mo.sa akin meron.pero pasalamat sa isang nagmamalasakit na kaibigan.salamat!kailangang mag-ingat.

binabantayan ako.hindi ko alam kung ang mga bawa't kilos't galaw ko.ang alam ko lang binabantayan ang pagdating ko.hindi lang ang mga may katungkulan.may mga inatasan sila na magbantay sa akin.hinuhuli ako.nag-aatay na maka-lima ako sa buwang ito.inaantay na maka-pangalawa ako.o maka-pangatlo kaya.masisiyahan ba sila na umabot ako sa ganun?kahit kaya na bumalik na ako sa dati kong pagpasok titigilan na nila ang pagbabantay?isang buwan?tatlo?anim na buwan?isang taon?hindi na siguro.wala na namang apektado ngayon ah?bakit?ganun talaga.kilala raw kasi ako.madaling makita ng iba.hindi magandang ehemplo sa iba.lalo na sa mga baguhan.kailangan sumunod na lang,kasi...may bantay!

4 Comments:

Blogger Toni said...

hayyy.... ganyan talaga ang buhay.... siguro nga minsan naiisip ko kailangan na lang nating intindihin ang mga tao.... may pinanggagalingan ang lahat ng bagay na nagaganap... be strong bongski! kaya mo yan!

12:44 PM  
Blogger fayeatot said...

konting tiis lang. :) mejo natagalan ka kasing nageenjoy sa mga gimik mo sa gabi e. hehehe bawi lang ng konti, tas ok na yan. :)

1:12 PM  
Blogger Gerard said...

ikaw rin naman ang may gawa niyan eh.

ikaw rin ang magpapabago jan.

ingat ka lang sa mga sinasabi, ginagalaw, inaaasal mo. may nagbabantay.

12:47 PM  
Blogger Bong Gaspar said...

@net: salamat sayo net, iniintindi ko na lang ang mga taong ganyan...hay...

@faye: yep, cguro nga nasanay lang ako sa lifestyle ng mga nakaraang buwan...tiis-tiis lang ako...

@gerry: salamat sa paalala!

@kamel: sobrang hirap kamel! imagine more than 24 hours ako nag-aantay...waaah!!!

5:26 PM  

Post a Comment

<< Home