Monday, March 28, 2005

:: ang muling pagkikita ::


kung san kami tumira sa puerto gallera
ako, anne, ayie, at mai

ang saya ng bakasyon.simula miyerkules hanggang sabado (23-26 ng Marso) ay nagbakasyon kami ng aking mga kaibigan sa puerto gallera.masaya.maraming tao.kasama ko sina anne, ayie,at mai na makikita sa larawan.marami pa kaming kaibigan na nakasama sa puerto gallera pero sa ibang cottage sila nakatira.paminsan-minsa ay doon kami tumatambay.nagluto pa nga kami ng spaghetti para kay mai dahil kaarawan nya nung Marso 24.

Thursday, March 17, 2005

:: sana ::

uy thursday na.lapit na ng weekends.leave na ako simula sa sabado.puerto gallera here i come!

marso 17.17?merong dalawang hindi ko makakalimutang pangyayari sa petsang 17.ngayon sana ang pangatlong buwan namin.ngayon din ang unang buwan ng paghihiwalay namin.tama!kasabay ng pangalawang buwang anibersaryo namin,nun din nangyari ang paghihiwalay namin.masaklap na pangyayari.

alam ko naman na masaya na sya.maaaring masaya na rin ako ngayon.harinawa maging maayos na ang mga buhay-buhay namin.

sana...

Tuesday, March 15, 2005

:: pagbabalik tanaw sa unang pagkikita ::

naaalala ko pa,ito ang araw na una kaming nagkita limang buwan na ang nakalipas.sa gerry's grill un, jan sa may greenbelt.kasama pa nga nya nun ung isa nyang kaibigan.marami ngang ginagawa sa opisina nun e,umalis lang ako ng mga alas-sais nun tapos bumalik din ng mga alas-nueve.

maraming nangyari,napag-usapan,nagkakilanlanan,ngunit di naman lubos.

nakakatuwa ring alalahanin.nakakaaliw.masarap alalahanin ang unang tagpo.mula dito ang pag-aaral upang makita ang dapat na gawin sa susunod na pagkakataon.

Monday, March 14, 2005

:: masaya! ::