Thursday, February 24, 2005

:: simula ng pagbangon ::

"kung ikaw ay may sawing puso,isipin mo na lang na maraming tao sa mundo ang nararanasan ito at mayroon pang iba na may mas masaklap na karanasan kaysa sa iyo."dapat ba akong matuwa sa kapighatian ng ibang tao at isiping may mas nagdurusa pa kaysa sa akin?bagaman ang mga bagay na ganito ay dapat na hindi mangyari ngunit nangyayari,para sa akin hindi ko ito magagamit upang aluin ang aking sarili.alam kong marami pang paraan upang maibsan ang sakit na nadarama mula sa paghihiwalay.

kung tayo ay nakakaranas ng ganitong pighati,iniisip natin na wala isa man sa mundo na nakaranas ng ganito katinding sakit kundi tayo lang.hindi agarang mawawala ang pangungulila at kalungkutan ngunit ito ay unti-unting mababawasan sa paraan mula sa mga eksperto.

ang nararapat na gawin ay ipaalam natin ang ating nararamdaman.hindi naman kailangang ipangalandakan sa madla.sa ating pinagkakatiwalaang kaibigan o kung kanino man tayo komportableng sabihin ito.ang simpatya ng iba na nakakaunawa sa atin ay makapagbibigay sa ating ng kaginhawahan ng damdamin.hindi dapat nating itago ang tunay na nararamdaman.ang pagiyak ay isang paraan upang ilabas ito.

dapat na mahalin ang sarili,pangalagaan ito.ang ating damdamin at puso at nakakaranas ng matinding kapighatian kung kaya ang buong katawan ay hindi na dapat makaranas nito.bawasan ang kalungkutan.kumain at matulog na lamang.

kadalasan sa mga panahong ganito,ang isa ay nagiisip na ang lahat ay kasalanan nila.sila ang dahilan ng paghihiwalay.sinisisi ang kanilang sarili.upang mawala ang mga kaisipang ito,alalahanin natin ang ating lahat ng maganda sa ating personalidad.at dahil nga natatakpan ang ating kaisipan dulot ng kalungkutan hayaan ang mga kaibigan upang magpaalala nito sa atin.

mahirap ang maglibang kung labis ang kalungkutan ngunit ito ay makatutulong ng malaki.hindi ibig sabihin nito na malilimutan na natin ang nangyari.makatutulong ito upang maibaling natin ang ating sarili sa iba pang bagay na ating ikasisiya.

ang pagsisikap na makalimot sa pighating naranasan mula sa paghihiwalay ay mawawalang saysay kung ito ay mamadaliin.bigyan ang sarili ng panahon upang hinay-hinay itong mawala at matanggap sa sarili na kailangang nang bumalik sa katotohan.may nakalaang magandang bukas ang naghihintay para sa atin.simulan ang pagbangon mula sa pagkakasadlak at pagalingin ang pusong nasugatan.

1 Comments:

Blogger Toni said...

now is the time to enjoy urself! gym, badminton.... and try to enjoy life! love will certainly come to ur life at the right time and with the right person, continue loving! :)

11:37 PM  

Post a Comment

<< Home