Monday, February 21, 2005

:: puso'y nagdadalamhati ::

nakalulungkot ang buhay.ito na yata ang pinakamalungkot na sandali sa aking buhay sa ngayon.hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga upang maibsan ang sakit ng dibdib na nadarama.oo buntong-hininga na nga lang ang panlaban ko.naubos na yata ang mga luha ko sa halos palagiang pag-iyak.mas mahirap pala pag tuyo na ang mga mata mo at wala na halos dumadaloy na luha.parang ang pakiramdam ko ay hindi man lamang humupa ng kahit kaunti ang sakit na nararamdaman.

may mga tao na ang tanging kasalan lamang nila ay ang umibig ng lubos.maipadama sa sinisinta ang tunay na nararamdaman.mapansin ang pagsisikap na ito.makapagtitiis sa mga pasakit dahil lahat ng ito'y matatabunan ng kaligayang madarama kung ito lamang ay mapagbibigyan.ngunit maaari mo bang pilitin ang puso ng iba na mahalin ka tulad ng nadarama mo para sa kanya kung ang tinitibok ng puso nya ay iba?masarap ang magmahal.mas masarap naman kung ito ay maibabalik ng mahal mo sayo ng tunay na pagmamahal.ang pagdadalamhati ng puso ay maiibsan kung ang katotohanan ay matatanggap lamang.

3 Comments:

Blogger fayeatot said...

baka naman kasi kaya ka umiiyak, dahil hindi ito ang taong para sa iyo. masakit, pero naisip mo na ba yun?

be patient, bong. it's ok to love like it's never going to hurt, but keep a little bit of it for yourself. para if ever it does hurt, kaya pa ulit.

be patient, bong. and DON'T SETTLE for anything less than the love that you're willing to give that person. grabe. ang sarap ng feeling ng akala mong love from the wrong person, pano pa kaya kung galing na yan sa RIGHT person?

and you know what? the right person won't ever make you cry. :)

8:26 PM  
Blogger Toni said...

bong... sige... iiyak mo lahat... ilabas lahat ang nararamdaman... kaya mo yan! cliche man.. pero... "may rason sa lahat ng nangyayari sa mundo.." ... ingatz lagi ha... :)

11:19 PM  
Blogger periwinkle --- twelvefifteen said...

see all those comment posts? you have more reasons to cheer and keep up!

i myself's going through a difficult time (how pathetic can we get when love strucks!).. all i think of now is that, i'll be ok and all of these will soon pass, in next to no time.

11:11 AM  

Post a Comment

<< Home