Thursday, February 24, 2005

:: simula ng pagbangon ::

"kung ikaw ay may sawing puso,isipin mo na lang na maraming tao sa mundo ang nararanasan ito at mayroon pang iba na may mas masaklap na karanasan kaysa sa iyo."dapat ba akong matuwa sa kapighatian ng ibang tao at isiping may mas nagdurusa pa kaysa sa akin?bagaman ang mga bagay na ganito ay dapat na hindi mangyari ngunit nangyayari,para sa akin hindi ko ito magagamit upang aluin ang aking sarili.alam kong marami pang paraan upang maibsan ang sakit na nadarama mula sa paghihiwalay.

kung tayo ay nakakaranas ng ganitong pighati,iniisip natin na wala isa man sa mundo na nakaranas ng ganito katinding sakit kundi tayo lang.hindi agarang mawawala ang pangungulila at kalungkutan ngunit ito ay unti-unting mababawasan sa paraan mula sa mga eksperto.

ang nararapat na gawin ay ipaalam natin ang ating nararamdaman.hindi naman kailangang ipangalandakan sa madla.sa ating pinagkakatiwalaang kaibigan o kung kanino man tayo komportableng sabihin ito.ang simpatya ng iba na nakakaunawa sa atin ay makapagbibigay sa ating ng kaginhawahan ng damdamin.hindi dapat nating itago ang tunay na nararamdaman.ang pagiyak ay isang paraan upang ilabas ito.

dapat na mahalin ang sarili,pangalagaan ito.ang ating damdamin at puso at nakakaranas ng matinding kapighatian kung kaya ang buong katawan ay hindi na dapat makaranas nito.bawasan ang kalungkutan.kumain at matulog na lamang.

kadalasan sa mga panahong ganito,ang isa ay nagiisip na ang lahat ay kasalanan nila.sila ang dahilan ng paghihiwalay.sinisisi ang kanilang sarili.upang mawala ang mga kaisipang ito,alalahanin natin ang ating lahat ng maganda sa ating personalidad.at dahil nga natatakpan ang ating kaisipan dulot ng kalungkutan hayaan ang mga kaibigan upang magpaalala nito sa atin.

mahirap ang maglibang kung labis ang kalungkutan ngunit ito ay makatutulong ng malaki.hindi ibig sabihin nito na malilimutan na natin ang nangyari.makatutulong ito upang maibaling natin ang ating sarili sa iba pang bagay na ating ikasisiya.

ang pagsisikap na makalimot sa pighating naranasan mula sa paghihiwalay ay mawawalang saysay kung ito ay mamadaliin.bigyan ang sarili ng panahon upang hinay-hinay itong mawala at matanggap sa sarili na kailangang nang bumalik sa katotohan.may nakalaang magandang bukas ang naghihintay para sa atin.simulan ang pagbangon mula sa pagkakasadlak at pagalingin ang pusong nasugatan.

:: letting go ::

Letting go doesn’t mean giving up, but rather accepting that there are things that cannot be.

~Unknown

:: no letting go ::





No Letting Go - Wayne Wonder

Got somebody she's a beauty
Very special really and truly
Take good care of me like it's her duty
Want you right by my side night and day

No lettting go No holding back
Because you are my lady
When I'm with you its all a that
Girl I, am so glad we've dated
No letting go No holding back
No holding Back no
When I'm with you it's all a that
All a that

They say good things must come to an end
But I'm optimistic about being your friend
Though I made you cry by my doings
With Keisha and Annesha but that
Was back then

No lettting go No holding back
Because you are my lady
When I'm with you its all a that
Girl I, am so glad we've dated
No letting go No holding back
No holding Back no
When I'm with you it's all a that
All a that

Really appreciate you loving me
After all that we've been thru
Really appreciate you loving me
All times,time

Got somebody she's a beauty
Very special really and truly
Take good care of me like it's her duty
Want you right by my side night and day

No lettting go No holding back
Because you are my lady
When I'm with you its all a that
Girl I, am so glad we've dated
No letting go No holding back
No holding Back no
When I'm with you it's all a that
All a that

Wednesday, February 23, 2005

:: true love ::

True love doesn't have a happy ending,
because true love never ends.
Letting go is one way of saying I love you.

~Unknown

Tuesday, February 22, 2005

:: acceptance ::

There are things that we never want to let go of,
people we never want to leave behind.
But keep in mind that letting go isn’t the end of the world,
it’s the beginning of a new life.

~Unknown

Monday, February 21, 2005

:: puso'y nagdadalamhati ::

nakalulungkot ang buhay.ito na yata ang pinakamalungkot na sandali sa aking buhay sa ngayon.hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga upang maibsan ang sakit ng dibdib na nadarama.oo buntong-hininga na nga lang ang panlaban ko.naubos na yata ang mga luha ko sa halos palagiang pag-iyak.mas mahirap pala pag tuyo na ang mga mata mo at wala na halos dumadaloy na luha.parang ang pakiramdam ko ay hindi man lamang humupa ng kahit kaunti ang sakit na nararamdaman.

may mga tao na ang tanging kasalan lamang nila ay ang umibig ng lubos.maipadama sa sinisinta ang tunay na nararamdaman.mapansin ang pagsisikap na ito.makapagtitiis sa mga pasakit dahil lahat ng ito'y matatabunan ng kaligayang madarama kung ito lamang ay mapagbibigyan.ngunit maaari mo bang pilitin ang puso ng iba na mahalin ka tulad ng nadarama mo para sa kanya kung ang tinitibok ng puso nya ay iba?masarap ang magmahal.mas masarap naman kung ito ay maibabalik ng mahal mo sayo ng tunay na pagmamahal.ang pagdadalamhati ng puso ay maiibsan kung ang katotohanan ay matatanggap lamang.

:: pagtanggap sa katotohanan ::

ito na ang panahon upang tanggapin ang katotohanan sa buhay na hindi talaga maaaring mangyari ang kanyang gusto.kailangan nyang ipaalam sa kanyang sarili na ito ang tamang gawin.tanggapin ang katotohanan.may mga bagay sa mundo na hindi maaaring makamtan ng isang tao kahit ano man ang mangyari.ang mga bagay sa mundo ay may kanya kanyang lalagyan kung saan dapat doon lamang ang mga ito.

bakit ba ang buhay ay mapaglaro?kung sabagay ang lahat ng mga nangyari,nangyayari,at mangyayari sa buhay ay dulot ng mga pagpapasya ng isa.tama bang sabihin na nasa dulo ang pagsisisi?hindi dapat ito ang pananaw,sapagka't ito ang makapaghuhubog sa katauhan at upang maging masaya sa mga susunod na panahon sa buhay.

kailangang maibalik ang naiwanang buhay,niyurakang pagkatao,nagulong isipan,at nahirapang damdamin.sa pagbangong ito ngiti mula sa mga tunay na kaibigan ang sasalubong.sa kanya na ang dahilan ng lahat ng ito,salamat sa iyo.ikaw na nagbigay ng sobang kalungkutan sa iyong paglisan lubos at labis na kaligayahan ang iyong idinulot sa mga panahong ika'y kapiling.ika'y hindi malilimutan.ikaw ang nagturo ng pakikisama,pagkakaibigan,at tunay na pagmamahal.

Friday, February 18, 2005

:: understanding ::

You don't need strenght to let go of something.
What you need is understanding.


~Unknown

Wednesday, February 16, 2005

:: sigaw ng puso ::

inaasam-asam ko ang kaligayahan mo.sana maging maligaya ka sa buhay.kung dumating man ang panahon na mapagod na ang puso ko sa labis na pagmamahal,sana sa panahong iyon ay labis kanang maligaya sa buhay,lahat ng nais mo ay nakamtan mo na.wag kang mag-alala kung dumating man ang panahon na mawala na ako sa buhay mo,maraming nagmamahal sayo,isa lang ako doon sa mga iyon.narito ka palagi sa aking puso,hindi maaalis,hindi mabubura,dahil bahagi ka na ng buhay ko.patuloy na magmamalasakit.kaibigan mo habang-buhay.nais ko na sana dumating na ang taong hinihintay ko,ang taong tunay na magmamahal sa akin.magmamahal sa akin ng lubos,katulad ng kung paano ako magmahal...lubos at walang kahati.

Monday, February 14, 2005

:: ano ba? anong gagawin ko? ::

isang linggo rin ang nakaraan mula nang huli akong nagsulat dito.wala naman kasing gaanong magandang nangyari sa akin nung nakalipas na linggo.ang kinailangan ko lang nun ay maiwasan ang banta sa aking career.pumasok sa opisina ng maaga para di na ako mapansin ng bantay.

pebrero ika-labing apat.ano bang meron sa petsang ito?wala akong maalalang pangyayari sa buhay ko may kinalaman sa petsang ito.araw ng mga puso?ngayon ba un?ano bang ginagawa sa ganitong okasyon?nagmamahalan.masaya.bakit ako malungkot?

bakit nga ba?galit kasi sya sa akin.oo,ako na naman ang may kasalanan.lagi namang ako.di kasi kami masyadong magkaintindihan sa mga nararamdaman namin.siguro lalo na sya,di nya ako maintindihan sa kalagayan ko.ganito talaga.wag ko muna raw syang i-text.sige!alam ko na mas lalo lang lalala ang sitwasyon kung pagpipilitan ko pang magusap kami.palamig muna.kaya ko na namang matiis na di nya ako ma-text e.kahit mahirap,kakayanin ko.ganun talaga sa sitwasyong pinasok ko.kailangan ko lang magtitiis.umintindi.kaso bakit ganun?nahihirapan ako.masakit para sa akin.alam nya na tanggap ko ang sitwasyon.pero di sa lahat ng pagkakataon.di naman ako bato e.nasasaktan din ako.nararamdaman ko rin yun.ang isipin nga lang na ginawa o gagawin nya yun e,sumasabog na ang damdamin ko.

siguro meron na akong maaalala sa petsang ito.isa sa mga araw na nagkagalit kami.di na magandang alalahanin pa ito.kaya wala pa rin akong magandang aalalahanin sa petsang ito.

ano ba?anong gagawin ko?nakakainis.nakakaasar.nalilito ako!hay...tingnan ko na lang bukas kung anong magandang mangyayari sa akin sa linggong ito.

Monday, February 07, 2005

:: may bantay ::

halos pare-pareho lang ang araw.ordinaryo.walang espesyal.katulad ngayon.

pagdating ko sa opisina umupo ako sa aking silya,binuksan ang computer,pinagpatuloy ang gawaing naiwan nung isang linggo.

ah!nung isang linggo.nung isang linggo...

biyernes!huling araw ng linggo.bakasyon na naman.ibig sabihin,sa binangonan na naman ako uuwi.magkikita kami ni ayie,kaibigan kong taga-pasig.maglalaro kami ng badminton.pangalawang beses na namin itong gagawin mula nung isang linggo.huwebes naman noon nang maglaro kami.ngayon dalawa lang kaming maglalaro,one-on-one kung tukuyin.hindi tulad nung nakaraan apat kami kaya hindi masyadong nakakapagod.sa platino kami naglalaro,sa brixton st,sa may mandaluyong,sa kabilang kalye ng boni,sa pioneer.

dumating ako,nahuli ako kasi sumabay sa akin si tine.nagkita pa kami sa ayala triangle para magkasabay kami sa mrt.

hay,sa ngayon,puro problema kami ni tine.siya sa kanyang bf.walang oras sa kanya.naglalambing lang sa kanya kapag may kailangan.ayun,nag-uusap kami habang patungo sa sasakyan.nagkahiwalay na naman pala sila.laging ganun.hindi ko alam ang ipapayo sa kanya.laging ganun e.hindi naman sya nakikinig sa akin.mahal nya raw yung bf nya.matigas ang ulo!pero naiintindihan ko sya.pareho kami.matigas ang ulo!kailangan nya lang ay yung mayroong makikinig sa kanya.sa kanyang mga hinanakit.buhay nga naman.

istasyon na ng boni.nagpaalaman na kami.dumating ako sa laruan.kasama pala ni ayie yung mga kalaro namin nung isang linggo pero hindi sila maglalaro.dalawa lang talaga kami.dalawang tao.magkalaban.dalawang oras!nakakapagod!masakit sa binti.nakakahingal.umaagos ang pawis.kailangan kong maligo.buti't may liguan.sa chowking ulit kami kumain.

tumunog ang telepono ko.mayroon text.may nag-aayang lumabas.sa blue onion daw.sa may libis.sa eastwood.text text.palitan ng text.natuloy rin matapos ang matagal-tagal ding palitan ng text.

sabado na.ala-una na ng umaga.ngayon palang kami nakarating sa pupuntahan namin.ang mag-asawang noel at anne,lasing na!ininom nila yung tequilla na natira namin mula sa watering hole.bagsak!sumusuka ang mag-asawa.ang kinalabasan,umuwi na sila.kami lang ni ayie ang naiwan kasama ang mga kaibigan naming nag-aya.

alas-siete na umaga.binaba ako sa angono at mula doon ako tumungo sa bahay nina anne.diretso tulog.alas-onse nagising.nakakatamad.walang magawa.walang nag-t-text.nag-aya na lang akong magbadminton uli kami nina ayie.ngayon kasama si anne at joan,ang pinsan nya.pampabawas daw ng timbang.para maiba naman daw ang magawa nila.hay...wala paring text mula sa inaasahan ko.

linggo na.tanghali nang nagising.kailangan naming pumunta sa morong para sa fiesta.tanghalian daw ang inaasahang pagdating namin doon.maraming pag-kain.nakakalula.maya't-maya ang kain namin.kwentuhan.wala paring text.kwentuhan ulit.pero wala paring text.nagpunta kami sa resort ng pinsan ni noel sa lanang.sandali lang kami.ayos naman ang lugar.hindi ganung kaganda sa mga resort na alam ninyo.pero maayos naman.liblib nga lang.kailangang may sariling sasakyan pagtutungo doon.para sa mga pribadong okasyon.gabi na rin.trapik pauwi.pagdating ulit doon,kain na naman.hay...tapos na naman ang araw.ang bilis.kailangan nang umuwi sa kaniya-kaniyang bahay.may pasok na naman kinabukasan.alas-diyes na nang gabi.wala paring text.wala.

magandang umaga.maganda nga ba?e wala paring text.ayos na rin.kailangan na lang pagbutihan ang trabaho.ganun lang naman e.ganun na lang ang gagawin ko.

halos pare-pareho lang ang araw.ordinaryo.walang espesyal.katulad ngayon.

pagdating ko sa opisina umupo ako sa aking silya,binuksan ang computer,pinagpatuloy ang gawaing naiwan nung isang linggo.

madali lang naman ang ginawa ko.pero nakakalito ang gawain kung magbumabagabag sa isip mo.sa akin meron.pero pasalamat sa isang nagmamalasakit na kaibigan.salamat!kailangang mag-ingat.

binabantayan ako.hindi ko alam kung ang mga bawa't kilos't galaw ko.ang alam ko lang binabantayan ang pagdating ko.hindi lang ang mga may katungkulan.may mga inatasan sila na magbantay sa akin.hinuhuli ako.nag-aatay na maka-lima ako sa buwang ito.inaantay na maka-pangalawa ako.o maka-pangatlo kaya.masisiyahan ba sila na umabot ako sa ganun?kahit kaya na bumalik na ako sa dati kong pagpasok titigilan na nila ang pagbabantay?isang buwan?tatlo?anim na buwan?isang taon?hindi na siguro.wala na namang apektado ngayon ah?bakit?ganun talaga.kilala raw kasi ako.madaling makita ng iba.hindi magandang ehemplo sa iba.lalo na sa mga baguhan.kailangan sumunod na lang,kasi...may bantay!

Thursday, February 03, 2005

:: unassigned ::

ang buhay unassigned ay masaya.atleast kahit 4 days lang ok na rin.walang pressure.isa lang ang kaasar talaga.pag bungad mo palang sa pinto ng office sya na makikita mo sino naman ang gaganahang magtrabaho.hehehe.

hindi na po ako unassigned ngayon.just got a message from tofil na sa CML na nga ako and will be starting tomorrow.yey!basta wala lang sa shadow ng lola nyo ayos na ako dun.ang wish ko naman ngayon ay dumating na ang araw na malipat na ako ng upuan.naiirita talaga ako pagnakikita ko sya,sya,oo sya nga!si ate V!hay naku.dapat binabawas-bawasan ko na ang pagbanggit sa kanya nakikilala pa lalo e,nagiging sikat!bwiset!kaasar!

dumating nga pala ang friend ko kanina,si joey,classmate ko sya nung college,kasi nanghihiram sya sa akin ng bola ng volleyball.punta kasi sila ng puerto gallera ng mga friends nya!chikahan sa 12th,syempre dun lang pwede.sandali lang kami nagkwentuhan kasi nagmamadali rin sya 7 sila magkikita-kita di pa sya nakakapag-pack ng things nya kaya ayun bumache na sya agad!

hay buhay...kaasar na nga sa lola nyo kaasar pa at d ako nire-reply-an sa text ko ng tinext ko!grrr!simpleng tanong lang naman.tapos nalaman ko ung isang friend namin nag-reply sya sa text nun kasi sabi ko i-text sya para malaman ko kung ako nga ay ayaw i-text!bwiset!gawin ko kaya sa kanya un!mag-text man sya ngayong gabi hanggang tomorrow di ko sya re-reply-an.bahala sya sa buhay!kaasar!!!

hay uwi na ako nag-aantay na si albee,gusto ng kasabay!

Wednesday, February 02, 2005

:: another dayt ::

again, i'm late!i arrived in the office at 12noon,just in time for lunch! :( the reason behind my being late today is because i had a dayt last night.i was with 3 friends.we had diner at dencios mega strip 'til 9:30.then we transfered to pier one along julia vargas to have some drinking.margarita and beer.but we're not fully satisfied.we then transfered to watering hole in shangri-la along edsa.tequilla is buy one take one so we grabbed it.we weren't able to drink the 2L of tequilla.so we took home the unopened bottle.we had a nice chattin there.cool bonding.my friends sent me home coz 1 got a ride.at about 3:00 that we arrived at my place feeling tipsy and drowsy,i'm drunk.argh!

:: ei! i'm back ::

i guess it's about 6 months then when i last posted my very 1st blog entry.but now i'm back coz i'm unassigned.no work at this time,no project.so i have time for this. :p